276.
Binhi ng Sumpa
Nang mabatid ang kinatatakutan
Galit bumalot sa maselang katauhan
Nais panghawakan inarugang puwesto
Dahil sa kagalakang naidulot nito
Kaya nang agawin ito sa tuwina
Binitiwan isang mapaminsalang sumpa
Mula sa lupain ng perpektong bulkan
Nagbadya ang galit sa kaloob-looban
Sa taon ng kabayo – tag-init, tagtuyo
Itinanim ang binhi ng panibugho
At sa muling pagyapak sa lupaing itinadhana
Iginawad sa tuwina ang halik ng sumpa
Para sa mga nais akong pabagsakin
Sila ay nararapat na aking singilin!
-11/13/2014
(Dumarao)
*My Cursed Poems Collection
---
277.
Bunga ng Sumpa
Dahil sa binitawang mga salita
Ako’y nakadama ng kakaibang pangamba
Animo’y demonyo sa akin ay sumapi
Nakahanap ako ng mapanganib na kakampi
Kaya binawi agad nang ako’y kilabutan
Subalit nanatili nang ako’y nasaktan
Kahit kinontra ay wala paring nagawa
Dahil sa pinaghalong negatibong nadama
Lumipas mga taon ay ‘di parin mapakali
Ginamit ang sumpa upang manakot at mangwaksi
Sa pag-aakalang may taglay na kapangyarihan
Iniugnay dito mga trahedya sa sanlibutan
Kaya pinagbintangang kampon ni Satanas
At ninais na aking buhay ay magwakas!
-11/13/2014
(Dumarao)
*My Cursed Poems Collection
---
278.
Lasa ng Sumpa
Oh anong anghang, asim at pait
Na sa kasawian ako ay idawit
Sadyang kayhapdi ng mga parinig
Ang turing sa akin ay higit pa sa manlulupig
Inuusig nang lubos ang aking konsensiya
Kayraming gabing binangungot, pinaluha
Ganito ba ang katarungang nais kong makamit?
Para akong hinuhubaran ng damit!
Parang pinipilipit ang aking mga bisig
Ako na nang-usig ang siya pang inuusig
Oh nakakahiya at nakapanghihina
Dahil alam kong batid na ang aking nagawa
Oh dulutan ng lunas ang kaluluwang may karamdaman
Huwag itong hayaan na malugmok sa kadiliman!
-11/13/2014
(Dumarao)
*My Cursed Poems Collection
---
279.
The Volcanic Eruption Communication Model
Volcano, the sender
Pyroclastics, the message
From the inner and under
Explodes the great rage!
Space, the medium
Sky, the receiver
Of this mad pandemonium
Towards up, up, up there!
But touched not directly
The target of utterance
And pyros echoed to thee
With unforestalled exuberance!
-11/16/2014
(Dumarao)
*interprets my formulated Communication Model
---
280.
No to Bloodshed!
Behold the 1 you want to become more
In your eyes I am a hateful wild boar
But in truth, I can even never be a melee warrior
My physique is not fit for a gladiator
Nor for a bloodthirsty matador!
-11/20/2014
(Dumarao)
*My Bloody Poems Collection
---
281.
No to Vendetta!
Listen to the 1 whose blood is screaming
Against those who plan to make death terrifying
This chain of vengeance is the one worth breaking
Its vicious trail is not worth following
The reason blood undergoes clotting!
-11/21/2014
(Dumarao)
*My Bloody Poems Collection
---
282.
No to Carnage!
Pray for the 1 facing slaughter
Whose blood they want to spill over
Whose flesh they want to spread everywhere
Whose bones they want to dismember
That they will be stopped by God up there!
-11/22/2014
(Dumarao)
*My Bloody Poems Collection
---
283.
Ode to Jesus, King of Virtues
Oh Jesus, King of Faith
Thou are sent by God the Great
Thy Spirit is our greatest soulmate
Oh Jesus, King of Hope
Thou grant us light with no scope
Thy Sacred Heart’s fire never says nope
Oh Jesus, King of Charity
Thou are the spring of generosity
Thy heart is overflowing with mercy
Oh Jesus, King of Prudence
Thou guard us against malevolence
Thy rod is our guide to benevolence
Oh Jesus, King of Justice
Thou strike the sinners with right chastise
Thy judgment is free of any malice
Oh Jesus, King of Fortitude
Thou help us form proper attitude
Thy strength endures great magnitude
Oh Jesus, King of Temperance
Thou give to evil no single chance
Thy purity must have resemblance.
-11/23/2014
(Dumarao)
*Christ the King Sunday
---
284.
Bayani ng mga Dukha
Mula sa pamilya ng mga dukha
Binhi nina Santiago at Catalina
Itong bayani na tunay na pangmasa
Dahil sa kahirapan, nagtrabaho ng kung anu-ano
Nagtinda ng mga baston at mga abaniko
Naging ahenteng naglalako at matiising bodegero
‘Di akalaing ang lakas ng mga bisig
Maaaring sandata sa mga manlulupig
Ni Andres na pangalan palang ay kaykisig
Subalit ‘di umasa sa lakas ng katawan
Pinatalas niya ring kusa sariling isipan
Inaral ang siyensiya at sining ng digmaan
Mga kababayan ay tinipon niya
Upang sa mga dayuhan lumusob, makibaka
Anak ng Tondo, Ama ng Katipunan – iyon siya!
--11/30/2014
(Dumarao)
*Bonifacio Day & Start of the Year of the Poor in Philippine Church Calendar
---
285.
Ako ay Isang Heran!
Ako ay isang Heran
Oras ng kadakilaan
Ay aking babalikan!
Ako ay isang Heran
Basbas ng kalangitan
Ay aking panghahawakan!
Ako ay isang Heran
Layunin ng isipan
Ay aking paninindigan!
Ako ay isang Heran
Nakamit na karangalan
Ay aking ipaglalaban!
-12/02/2014
(Dumarao)
*palaban mood
---
286.
Kawal na Nanumbalik
(Emilio Aguinaldo)
Inabot lamang ay sekondarya
Subalit naging heneral mula kapitan
Itinatag pinakaunang republika
Sinagupa dalawang lahing dayuhan.
-12/16/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
---
287.
Tapos Na, Tuloy Pa
(Manuel Quezon)
Sa sariling sikap nagtapos ng abugasya
Naging pangulong senador mula pagkapsikal
Tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa
Sa sariling wika itinuro pagmamahal.
-12/17/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
---
288.
Hawig ng Hapon
(Jose Laurel)
Nakamtan pagiging Doktor ng Batas Sibil
Umupong Kalihim ng Katarungan bago magkagulo
Sa Hapon napayuko kaya binansagang taksil
Upang maibsan kabagsikan ng amo.
-12/28/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
---
289.
Ama ng Nacionalista
(Sergio Osmeña)
Inaral abogasya ng may matataas na marka
Kay Quezon siya ang Pangalawang Pangulo
Namuno matapos ang Digmaang Ikalawa
Sinimulan pagsasaayos ng bansang ginulo.
-12/19/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
---
290.
Ama ng Liberal
(Manuel Roxas)
Nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas
Mula pagiging guro sa Capiz kumatawan
Hinirang na heneral nang sa Hapon makaalpas
Pinagtuunang pansin pagbangon ng bayan.
-12/20/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahing Tanso Collection
---
291.
Gurong Pintor
(Elpidio Quirino)
Nalagpasan kursong pag-aabogado
Kay Roxas nanungkulang Bise Presidente
Naitatag Sentro ng Pananalapi
Subalit Komunista sa mga nayon umatake.
-12/21/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
---
292.
Sayang na Kampeon, Mababaw na Balon
(Ramon Magsaysay)
Komersyo ang nalagpasang kurso
Naging sundalo at Kalihim ng Tanggulan
Supremo ng mga Komunista ay napasuko
Unang nagbukas ng palasyo sa taumbayan.
-12/22/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
---
293.
Pangulo Parin Kahit ‘Di na Pangulo
(Carlos Garcia)
Kurso sa Batas ang napagtagumpayan
Nagsimulang guro hanggang Pangalawang Pangulo
Isinulong ang Bayanihan at Unahin ang Bayan
Napasigla negosyo, kultura at nasyonalismo.
-12/23/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
---
294.
Ngiti ng Kawal
(Diosdado Macapagal)
Nagtagumpay sa kursong abogasya
Negosyador bago naging Pangalawang Pangulo
Araw ng Kalayaan naging Hunyo 12 ang petsa
Napalawak serbisyo, naitatag MaPhilIndo.
-12/24/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
---
295.
Kilabot ng Makapangyarihan
(Ferdinand Marcos)
Mahusay nna napagtagumpayan ang Tagapagtanggol na kurso
Magaling na tagapagtanggol, sundalo at senador
Nagtayo at nagtaguyod ng mga dakilang proyekto
Napahaba serbisyo, nakilalang diktador.
-12/25/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
---
296.
Kilabot ng Diktador
(Corazon Aquino)
Dalawang kurso nakumpleto – Wika at Matematika
Simpleng maybahay na biglang naging pulitiko
Pinatayo at pinatatag nagibang demokrasya
Sa kambal na mga kalamidad tinulungan mga Pilipino.
-12/26/2016
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
---
297.
Kilabot ng mga Rebelde
(Fidel Ramos)
Nakumpleto ang mga kursong Pang-inhinyero at Pangsundalo
Nakipaglaban sa mga Komunista sa Vietnam at Korea
Napahupa agresyon ng mga subersibo
Napalakas ugnayan sa ibang bansa.
-12/27/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
---
298.
Sayang na Pananaw, Kandilang Natunaw
(Joseph Estrada)
Hindi nakumpleto pag-aaral sa Tertiarya
Gayunpaman hinalal na Bise-Presidente mula pagka-aktor
Kilabot ng mga kriminal, kaibigan ng mga dukha
Subalit hinablang sa bayan nagtraydor.
-12/28/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
---
299.
Nakaupo Parin Kahit ‘Di Na Nakaupo
(Gloria Arroyo)
Nakamit pagiging Doktor sa Ekonomika
Propesora bago maging Pangalawang Pangulo
Inulan ng Protesta, niyanig ng kudeta
Subalit pinanatili katatagan ng gobierno.
-12/29/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
---
300.
Our Golden Times During PNoy – Part 5
Behold PNoy kicking like horse
Corrupt officials kicked out with force
Senators involved in spoiling pork barrel
Are now holding bars in each own cell
Officers accused in police and medic
Are also not spared from the angst of the kick
If public corruption is sincerely detached
Territorial protection is willingly attached
Established by the visit of Obama
Speaking of foreign, we got something in FIBA
Gilas Pilipinas made us Most Valuable
Proving Filipinos are fans indomitable
Fans of those to country give heart
Fans of those like PNoy who’s smart
Go like Rachelle Ann, our pride offshore in theater
Swerve like Michael Christian, our first Olympian in winter.
-12/30/2014
(Dumarao)