Kanarazu

Makinig Nawa

Ikaw sinta ang sanhi ng ligaya
Bawat pagkurap ng aking mga mata
Bawat paggising at bawat hininga
Ipagkakatiwala sa\'yo pati kaluluwa

 

Makinig nawa sa aking tugtugin
Sana\'y dinggin itong dalangin
Di biro aking dalisay na damdamin
Ako sana ay iyong tanggapin

 

Kung alam mo lang lahat ng pinagdaanan
Makikita mo\'ng ika\'y aking ipinaglaban
Maski langit at lupa ma\'y ika\'y talikuran
Hinding hindi kita bibitawan