Corlyn Faith

Alas Nuebe Y Media

Heto na naman ako

Naglalakad sa masukal at madilim na daan

Patungo sa iyo. 

 

Alas nuebe y media

Yan ang oras ng minsan nating pagkikita

Hindiko nga alam bakit ganyan 

Akala ko nung una ayos lang

Dahil sa oras na tayo\'y nagsasama tayo\'y masaya naman.

 

Sa tuwing tayo\'y nanonood ng pelikula

Ang tanging naririnig ko lang ay \'yung mga nakakabingi nating pagtawa

Sabayan mo pa ng paghampas sa kama

At habang tayo\'y masaya nahuli kitang nakatingin sa aking mga mata.

 

Teka... masaya nga ba\"TAYO\" o baka \"AKO\" lang?

Ang mga tawa mo ba\'y totoo o sdyang pilit lang?

Sa mga oras ba na iyon ay naging totoo ka o nagsisinungaling lang?

 

Yan yung mga bagay na gusto kung itanong sa\'yo

Pero wala akong magawa...

Dahil sa tingin ko\'y wala akong karapatang malaman

Kung ano ba talaga yung tunay mong nararamdaman

Dahil ako lang naman yung babaeng pang alas nuebe y media lang.