\"Babae ako, taas-noo kahit kanino\"
Akala rati ng karamihan pag babae ay mahina,
Dapat nasa bahay lang maglinis at mamalantsa
Na hindi kayang mamuhay at bumuhay ng pamilya.
Ngunit marami na ang bumilib at napaniwala,
Sapagkat marami ng ina ang nagsisilbing padre de pamilya.
Marami ng nagbago at naglaho,
Dating mga tinatawag na alipin, sila pa ngayon ang ehemplo.
Dating puro saya ang balot, ngayon iba\'t ibang uniporme na ang suot,
May pulis, guro, presidente, at sundalo
Kaya marami na ang humahanga, sumasaludo at umi-idolo.
Di dapat natin ikahiya kung tayo ay maria clara,
Magpasalamat tayo kasi bilang babae ay isang biyaya,
Dahil walang kapareha si adan kung wala si eba.
Kaya isigaw natin sa buong mundo,
Babae ako taas-noo kahit kanino.