RHCNBRR

Tandang-Pananong

Tandang-Pananong

\'Paalam\' ang salitang kailanma\'y hindi natin nanaising marinig.
Ang salitang tila mag-uudyok sa ating puso na mas maiging huwag na lang pumintig.
Hindi ba\'t noong nagpaalam siya sa\'yo sadyang nakakapanginig?
Noong tumalikod siya, wala kang nagawa at tila nagunaw ang iyong buong daigdig.

Ilang araw pa ang lumipas at tuloy pa rin ang luha mo sa pagbuhos,
tila yata wala ka nang pakialam sa kadahilanang ikaw ay nasaktan niya ng lubos.
Ngunit hanggang saan at hanggang kailan mo balak maghikahos at magmukhang kalunos-lunos?
Nang dahil ba sa pamamaalam niya, pati ba ang maganda mong buhay at bukas na hinaharap ay doon na lang rin magtatapos ?

•RHCNBRR•