My Poems 301 - 325

Jose Radin Llorca Garduque

301.

Anak ng mga Bayani

 

Pulitikang nanlimahid pinagbagong bihis

Pinahina mga namiminsala sa gobierno

Mga kurakot tinugis, sa puwesto pinaalis

Mga partido tinipon sa tuwid na pamumuno.

 

-01/01/2015

(Dumarao)

*Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection

---

302.

Bayani ng Masipag

 

Ekonomiya ang paglalaanan ng oras

Pampublikong sasakyan sa lahat ng barangay

Pampribadong negosyo sisikaping mapalakas

Maraming trabaho at hanapbuhay.

 

-01/02/2015

(Dumarao)

*Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection

---

303.

Bayani ng Makisig

 

Kalusugan ang pangunahing aatupagin

Lunas-sakit, pagamutan sa lahat ng barangay

Iwas-sakit, pasilidad pampalakasan palalaganapin

Mauuso magandang pangangatawan at mahabang buhay.

 

-01/03/2015

(Dumarao)

*Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection

---

304.

Bayani ng Malikhain

 

Sining ang gagawing prayoridad

Museo’t teatro sa lahat ng barangay

Musika, iskultura, pagpipinta, literatura uunlad

Tatatak ang dilaw bilang pambansang kulay.

 

-01/04/2015

(Dumarao)

*Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection

---

305.

Bayani ng Marunong

 

Siyensiya ang magiging pinakatatangi

Sentro ng pananaliksik sa lahat ng barangay

Mga henyo, bagong tuklas, imbensiyon ibubunyi

Sa pagkain, damit, bahay, sasakyan aagapay.

 

-01/052015

(Dumarao)

*Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection

---

306.

Matinik na Manunugis

 

Pulisya pararamihin at palalakasin

Kayraming pasaway sisiluhin at kikilabutan

Kapayapaan at kaayusan ay sisiguraduhin

Walang mangangahas maghasik ng kabulastugan.

 

-01/06/2015

(Dumarao)

*Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection

---

307.

Tanglaw sa Pagitan

 

Sandatahang panggitna mabubuo’t mangingibabaw

Banderang dilaw iaangat at ipakikilala

Mamamagitan sa pula at bughaw

Alagad ng liwanag ang magpapahupa.

 

-01/07/2015

(Dumarao)

*Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection

---

308.

Mundong Palasyo

 

Ang mundo ay parang palasyo

Opisina ng mga pinuno

Bulwagan ng mga mamamayan

Takbuhan ng mga nangangailangan.

 

-01/08/2015

(Dumarao)

*Ang Mundong Pook Collection


---

309.

Mundong Pamilihan

 

Ang mundo ay parang pamilihan

Lungga ng mga mamumuhunan

Kakikitaan ng sari-saring produkto

Kagustuhan at pangangailangan may kanya-kanyang presyo.

 

-01/09/2015

(Dumarao)

*Ang Mundong Pook Collection

---

310.

Mundong Pagamutan

 

Ang mundo ay parang pagamutan

Kanlong nito sari-saring sakit ng lipunan

Mula simpleng aray binibigyang-lunas

Hanggang pagdugtong sa buhay na magwawakas.

 

-01/10/2015

(Dumarao)

*Ang Mundong Pook Collection

---

311.

Mundong Entablado

 

Ang mundo ay parang entablado

Tanghalan ng sari-saring talento

Mga manonood dito napapasaya

Naaaliw at namamangha sa kakayahan ng kapwa.

 

-01/11/2015

(Dumarao)

*Ang Mundong Pook Collection

---

312.

Mundong Laboratoryo

 

Ang mundo ay parang laboratoryo

Sinasaliksik, inaaral mga bagay sa mundo

Sari-saring produkto ng siyensiya

Tinutuklas, inieksperimento, nililikha.

 

-01/12/2015

(Dumarao)

*Ang Mundong Pook Collection

---

313.

Mundong Presinto

 

Ang mundo ay parang presinto

Tampulan ng mga problema at reklamo

Mga naging salot ng lipunan

Dito humahantong upang maparusahan.

 

-01/13/2015

(Dumarao)

*Ang Mundong Pook Collection

---

314.

Mundong Kampo

 

Ang mundo ay parang kampo

Mapaminsalang sandata napapaloob dito

Sinasanay mga magigiting na mandirigma

Sa pag-opensa at pagdepensa.

 

-01/14/2015

(Dumarao)

*Ang Mundong Pook Collection

---

315.

Mi Oracion Poema Por Papa Francisco

 

Papa Francisco, oh misericordioso!

Papa Francisco, oh compasivo!

Papa Francisco, se nuestro amparo!

 

Liberar mi alma y cuerpo condenado!

Liberar mi familia y futuro lastimoso!

Liberar me de venganza de N-M y sus partido!

 

Con elguia de Espiritu Santo…

Con el clemencia de Hesucristo…

Con el gracia de Dios amoroso…

 

Liberanos con el poder divino!

Liberanos de esquema maligno!

Liberanos por favor oh escuchano!

 

Ahora bendicir N-M y sus partido!

Ahora mi nacion eres bienvenido!

Ahora consagrar Filipinas mi amado!

 

-01/15/2015

(Dumarao)

*Pope Francis Fever Collection

---

316.

Unang Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas

 

Enero Kinse, Dos mil Kinse

Sa Villamor umindak daan-daang estudyante

Paglapag ng eroplanong Sri Lankan

Mga sasalubong naghiyawan

Pagbukas ng pintuan ng sasakyang lumilipad

Skull cap ng Santo Papa ay nilipad

Pagpanaog sa hagdan ng eroplano

Sinalubong ng mga sundalo at ng Pangulo

Pinatugtog himno ng ating bansa

Ganundin ang himno ng Vatican sa Roma

Dalawang batang ulila sa kanya sumalubong

Matamis na pagbati sa kanya ibinulong

Sa Pope Mobile na walang panangga sumakay

Ang Supremo ng Simbahan todo ngiti at kaway

Kahit gabi na kayraming tao bawat daanan

Hanggang sa Apostolic Nunciature na pagpapahingahan.

 

-01/16/2015

(Dumarao)

*Pope Francis Fever Collection

---

317.

Ikalawang Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas

 

Enero Diez y Seis, Dos mil Kinse

Lulan ng isang simpleng kotse

Unang tinungo Palasyo ng Malacañan

Pinagsabihan mga pulitiko huwag magnakaw sa bayan

Sa pagpasok ng palasyo binasbasan mga bata

Sa paglabas ng palasyo binasbasan matanda

Ikalawang tinungo Manila Cathedral

Pinangunahan pagdaos ng Misang Banal

Sa pagdating, sakay muli ng Pope Mobile

Sa pag-alis, mga umaantabay sa daan ‘di parin papigil

Huling tinungo Mall of Asia

Pinulong mga pamilya sa malaking asembleya

Sa pagsalubong may regalo mula sa may kapansanan

Sa pag-iwan may pailaw mula sa mga nagkakantahan

Ngayong araw kanyang isinulat sa talaan

Panalangin ng pag-unawa, kapayapaan at kaginhawaan.

 

-01/17/2015

(Dumarao)

*Pope Francis Fever Collection

---

318.

Ikatlong Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas

 

Enero Diez y Siete, Dos mil Kinse

Kahit may bagyo, tumuloy sa Leyte

Unang tinungo lungsod ng Tacloban

Muling nilipad skull cap pagbukas ng pintuan

Talagang maulan at mahangin

Subalit milyong tao sumalubong parin

Kanyang idinaos Banal na Misa

Kasama ang mga biktima ni Yolanda

Huling tinungo ang pook ng Palo

Nananghalian sa tuluyan ng Arsobispo

Doon din nakasalo mga nasalanta ng Yolanda

Mas malapitang nakisalamuha sa kanya

Mga pinaslang ni Yolly puntod binasbasan

Iba pang kaawa-awa hinandugan ng tirahan

Suot ang dilaw na kapote

Biniyayaang material at ispiritwal ang Leyte.

 

-01/18/2015

(Dumarao)

*Pope Francis Fever Collection

---

319.

Ikaapat na Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas

 

Enero Diez y Otso, Dos mil Kinse

Kayrami paring mga sumalubong sa kalye

Unang tinungo Unibersidad ng Santo Tomas

Tuloy parin ang pangaral at pagbasbas

Nakipagkita mga pinuno ng ibang relihiyon

Humingi ng pag-unawa at kapayapaan sa mga nasyon

Nakinig sa hinaing ng mga kabataan

Inalo isang batang babaeng luhaan

Huling tinungo ang Grandstand sa Quirino

Kung saan may pinakamaraming dumalo

Tinig ng koro nakapangingilabot

Mensahe ng Dios abot na abot

Oh anong saya nang tawagin ng Santo Papa

Na dakila ang aming munting bansa

Ngayong kapistahan ni Santo Niño

Kanyang ipinaalaala halaga ng mga bata sa mundo.

 

-01/19/2015

(Dumarao)

*Pope Francis Fever Collection

---

320.

Huling Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas

 

Enero Diez y Nueve, Dos mil Kinse

Tulad ng pagdating, pag-alis naging simple

Subalit tulad ng unang araw

Mga nag-antabay sa daan nag-umapaw

‘Di parin natinag ang hiyawan

Ng mga taong sumalubong sa lansangan

Tulad ng pagdatal, panahon ay maganda

Napakaganda ng araw sa umaga

Paglipas ng mga araw na inulan

Bumalik din sa maaraw na pinagmulan

Mula umpisa hanggang sa wakas

Lulan parin ng Pope Mobile na bukas

Sa Villamor meron paring sayawan

Tulad ng unang paglapag sa bayan

Salamat sa wakas maayos na nakabalik

Ang Supremo ng Simbahan na sa bansa humalik.

 

-01/20/2015

(Dumarao)

*Pope Francis Fever Collection

---

321.

Legasiya ni Papa Francisco sa Pilipinas

 

Oh Papa Francisco, Supremo ng Simbahan

Ang iya pagtambong daw ano ka bulahan

Siya naghatag kalipay sa aton duog

Matapos ang makakulugmat nga bagyo kg linog

Gani sa una nga adlaw sg iya pagbisita

Bisan gab-i don madamo guihapon nakita

Nga mga Pilipino nga nagdulog sa iya alagyan

Agud siya sugaton kg amligan

Sa ikaduha nga adlaw sg iya pag-abot

Iya gin-akigan mga pulitiko nga kurakot

Iya ginpahanumdom ang pagtatap sa mga karnero

Iya ginlaygayan ang mga pamilya nga Pilipino

Sa ikatatlo nga adlaw niya sa pungsod

Iya ginpahagan-hagan ang mga nagakalisod

Iya ginbendisyunan mga biktima sg kalamidad

Iya ginhatagan puloy-an mga imol sa komunidad

Sa ikaapat nga adlaw niya diri sa aton nasyon

Iya ginpakigkita mga lideres sg iban nga relihiyon

Iya gin-ulu-ulo mga kabataaan nga nagpa-utwas

Iya ginpangamuyuan ang bilog nga Pilipinas

Gani sa ulihi nga adlaw sg iya pagkari

Madamo sa guihapon nagbantay sa iya diri

                                        Sin-o bala ang magakalipat sa isa ka Santo Papa                         

Nga bisan may bagyo sa guihapon nagbisita

Bisan iban nga relihiyon sa iya nagsaludo

Kay iya ginpamatud-an nga siya para sa tawo

Matuod guid nga kay Hesukristo siya tiglawas

Salamat Papa Francisco sa kabalaka sa Pilipinas!

 

-01/21/2015

(Dumarao)

*Pope Francis Fever Collection

---

322.

The Philippine Eagle: A Monument

 

Behold the Philippine Eagle, King of Birds!

The tallest eagle, terror of monkey herds

Its crest stands tall like a rooster on the roll

Hear its vibrant, authoritative call

Like a mythical griffin, it has the cover of a lion

That’s why in our nation it’s called “Haribon”.

 

Discovered by a man from United Kingdom

The faithful, monogamous Haribon (King of Birds) is only from

The Philippines, my country…a valiant country

First known to Europeans in our year of gallantry

When our national hero, Rizal, was brutally slain

By our first conqueror – the kingly Spain

 

This glorious bird is our monument of courage

A living emblem of our struggle for golden age

Its dignified countenance on our coin chiseled

So splendid & adorable like a handsome young man muscled

The starring on our national basketball team’s logo

This is our national bird – adore, preserve & lo!

 

-01/27/2015

(Dumarao)

*Defense of the Animals Collection

---

323.

The Whale Shark: A Treasure

 

Behold the Whale Shark, the largest fish!

Though it’s fleshy, it’s not right for our dish

Having the name of a whale, it sounds great in size

Having the name of a shark, it looks fearful in the eyes

But though it’s large, there’s no threat to come near

And though it’s scary, there’s no need to fear

 

This giant is gentle like the biggest of dinosaurs

Like the Apatosauruses that were not carnivores

This harmless “Butanding” eats not by tearing

It’s wide mouth feeds strangely by filtering

So it’s really ridiculous to strike this gentle guy

Self defense can be a big, big lie…a funny alibi

 

The world is the home of this gentle giant

In all continents there it is like the elephant

Hey look it’s also on our 100 peso bill

The only place where no one can kill

But here in the Philippines, the government will punish you

If you catch, kill & sell this treasure we value!

 

01/27/2015

(Dumarao)

*Defense of the Animals Collection

---

324.

Imagine the World without Butterflies

 

When I was a child, I was captivated

By colorful flowers beautifully painted

But what was that creature with floppy wings

Like a flower’s frail petal, attraction it brings

 

If a flower below to the land decorates

That creature above to the air celebrates

To the dance of the wind giving music

Its every movement is a graceful lyric

 

This flimsy flyer they called “butterfly”

In its absence, the flowers cry

So come butterflies…come to the flowers!

They need your fantastically propitious powers!

 

Oh! Imagine the world without butterflies!

It’s just like a chopsuey without spice

Music without notes, theater without actors

So safeguard these most artistic pollinators!

 

-01/28/2015

(Dumarao)

*Defense of the Animals Collection

---

325.

What If There are No Spiders?

 

When I was a child, I was afraid

Of that creature a “spider” they said

Its many legs were like ready to clutch

Its creepy mouth seems like ready to catch

 

Look at the eyes which are hard to read

Don’t know where they are going me to lead

Is it to the net which for it is a dwelling?

But a slaughterhouse for any sloppy being?

 

While the snared dying prey helplessly shook

It drains its flesh & fluids! Look!

What if I’m the one it’s gonna eat?

Oh how I tremble at the thought of it!

 

Good if the catch is a virulent criminal

Or any pest that’s violent & lethal

This agent of horror can be like a police

What if there are no spiders or neutralizers of society’s disease?

 

-01/28/2015

(Dumarao)

*Defense of the Animals Collection








  • Author: Jose Radin Llorca Garduque (Offline Offline)
  • Published: October 26th, 2019 20:48
  • Comment from author about the poem: My 301st - 325th Poems
  • Category: Unclassified
  • Views: 2
Get a free collection of Classic Poetry ↓

Receive the ebook in seconds 50 poems from 50 different authors




To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.