My Poems 676 - 700

Jose Radin Llorca Garduque

676.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-6 na Utos ng Dios Ama

 

Ang pairalin ang Ika-6 na Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Kapwa tao ay huwag nating bastusin

Sila ay may karapatan na galangin

 

Huwag makikiapid sa pamamagitan ni Hesukristo

Na nanatiling dalisay nang mamuhay bilang tao

Huwag makikiapid sa taong hindi para sa iyo

Sa iyong napangasawa ay manatiling kuntento

 

Huwag makikiapid sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang nagpakadalisay sa ating mga tao

Huwag makikiapid, igalang ang Templo ng Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang dalisayin tayo

 

Huwag makikiapid sa pamamagitan ni Inang Maria

Na dalisay ang puso, pagkatao at kaluluwa

At siya ring nagpakadalisay sa Panginoon natin

Nawa’y ang bansang Pilipinas tao ay dalisayin.

 

-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---


677.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-7 Utos ng Dios Ama

 

Ang pairalin ang Ika-7 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Huwag angkinin ang hindi atin

Ang hindi atin ay huwag nakawin

 

Huwag magnanakaw sa pamamagitan ni Hesukristo

Na hindi magnanakaw nang mamuhay bilang tao

Huwag angkinin ang anumang hindi sa iyo

Sa kung anung mayroon ka ay matutong makuntento

 

Huwag magnanakaw sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang nagbibigay ng biyaya ng Dios sa mga tao

Huwag magnanakaw, makuntento sa grasya ng Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang angkinin tayo

 

Huwag magnanakaw sa pamamagitan ni Inang Maria

Na hindi umangkin ng hindi sa kanya

At siya ring nakuntento sa Panginoon natin

Nawa’y ang bansang Pilipinas kabutihan ang angkinin.

 

-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

678.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-8 Utos ng Dios Ama

 

Ang pairalin ang Ika-8 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Huwag magsinungaling laban sa kapwa natin

Katotohanan ang siyang dapat pairalin

 

Huwag magsinungaling sa pamamagitan ni Hesukristo

Na Siyang tapat at hindi sinungaling na tao

Huwag magsisinungaling laban sa kapwa mo

Sa huli ay mananaig din ang totoo

 

Huwag magsisinungaling sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang katotohanan lang ang hatid sa mga tao
Huwag magsisinungaling, saksi sa katotohanan ang Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang pakatotohanan tayo

 

Huwag magsisinungaling sa pamamagitan ni Inang Maria

Na hindi sinungaling, mapagbintang at mapanlinlang sa kapwa

At siya ring nagpakatotoo sa Panginoon natin

Nawa’y ang bansang Pilipinas katotohanan ang pairalin.

 

-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

679.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-9 na Utos ng Dios Ama

 

Ang pairalin ang Ika-9 na Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Huwag hangarin ang asawang hindi atin

Asawa ng iba huwag nating hangarin

 

Huwag hangarin ang asawa ng iba sa pamamagitan ni Hesukristo

Na hindi naghangad ng asawa ng ibang tao

Huwag hangarin ang asawang hindi sa iyo

Kung ayaw mong managot sa asawa nito

 

Huwag hangarin ang asawa ng iba sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang naghahangad ng kadalisayan sa bawat tao

Huwag hangarin ang asawa ng iba, kataksilan ito sa Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang hangarin tayo

 

Huwag hangarin ang asawa ng iba sa pamamagitan ni Inang Maria

Na hindi naghangad ng ibang asawa para sa kanya

At Siya ring nagpakatapat sa Panginoon natin

Nawa’y ang bansang Pilipinas Dios ang hangarin.

 

-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

---

680.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-10 Utos ng Dios Ama

 

Ang pairalin ang Ika-10 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Huwag hangarin ang pag-aari na hindi atin

Mga ari-arian ng iba huwag nating hangarin

 

Huwag hangarin ang mga pag-aari ng iba sa pamamagitan ni Hesukristo

Na hindi naghangad ng pag-aari ng ibang tao

Huwag hangarin ang mga ari-arian na hindi iyo

Kung ayaw mong managot sa may-ari nito

 

Huwag hangarin ang mga pag-aari ng iba sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang naghahangad lamang ng kabutihan sa bawat tao

Huwag hangarin ang ari-arian ng iba, labag ito sa Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang ariin tayo

 

Huwag hangarin ang mga pag-aari ng iba sa pamamagitan ni Inang Maria

Na hindi naghangad ng mga ari-arian na hindi kanya

At siya ring nakuntento sa Panginoon natin

Nawa’y ang bansang Pilipinas kabutihan ang hangarin.

 

-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

681.

Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa:

Ika-1 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-1 Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Dios lamang ang tanging sasambahin sa ating bansa

Siya lamang ang Dios na nag-iisa

 

Dios lamang ang sasambahin sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Sambahin Siya ng lahat ng mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang hindi sumamba sa nag-iisang Dios Ama

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat Siyang sambahin sa buong bansa

Sapagkat Siya ang ating Dios na Tagapaglikha

 

Ang pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang pagsamba sa Dios sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…
intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 ---

682.

Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa:

Ika-2 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-2 Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Ngalan ng Dios ay pakabanalin sa ating bansa

Ito ay banal at nararapat sa pagtingala

 

Pakabanalin ang Ngalan ng Dios sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Pakabanalin ang ngalan Niya ng lahat ng mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang hindi magpakabanal sa Ngalan ng Dios Ama

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat pakabanalin ang ngalan Niya sa buong bansa

Sapagkat Siya ang ating Dios na tagapaglikha

 

Ang pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang pagpapakabanal sa Ngalan ng Dios sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…
intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

683.

Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa:

Ika-3 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-3 Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Araw ng Dios ay pakabanalin sa ating bansa

Ito ay banal at nararapat sa pagkilala

 

Pakabanalin ang Araw ng Dios sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Pakabanalin ang araw Niya ng lahat ng mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang hindi magpakabanal sa Araw ng Dios Ama

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat pakabanalin ang araw Niya sa buong bansa

Sapagkat Siya ang ating Dios na Tagapaglikha

 

Ang Pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang pagpapakabanal sa Araw ng Dios sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…
intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 

---

684.

Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa:
Ika-4 na Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-4 na Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Igalang ang ating mga ama at ina

Mahalagang biyaya ng Dios sa atin sila

 

Igalang ang mga magulang sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Gumalang sa mga magulang tayong mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang hindi gumalang sa kanila

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat irespeto ang mga magulang sa buong bansa

Sapagkat sa pamamagitan nila tayo ay inilikha

 

Ang pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang paggalang sa mga magulang sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

685.

Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa:

Ika-5 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-5 Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Huwag papatay ng ating kapwa

May karapatan ding mabuhay sila

 

Bawal ang pumatay ng tao sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Huwag papatay ng tao tayong mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang pumatay sa kanyang kapwa

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat irespeto ang buhay ng tao sa buong bansa

Sapagkat tulad natin ay may buhay din sila

 

Ang pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang hindi pagpatay sa kapwa tao sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

---

686.

Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa:

Ika-6 na Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-6 na Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Huwag makikiapid sa ating kapwa

May taglay ding dignidad sila

 

Bawal ang pakikiapid sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Huwag makikiapid tayong mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang makiapid sa kanyang kapwa

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat irespeto ang kapwa tao sa buong bansa

Sapagkat tulad natin ay may dignidad din sila

 

Ang pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang hindi pakikiapid sa kapwa tao sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

---

687.

Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa:

Ika-7 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-7 Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Huwag magnanakaw sa ating kapwa

May angkin ding pag-aari sila

 

Bawal ang pagnanakaw sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Huwag magnanakaw tayong mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang magnakaw sa kanyang kapwa

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat irespeto ang pag-aari ng iba sa buong bansa

Sapagkat tulad natin ay may inaangkin din sila

 

Ang pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang hindi pagnanakaw sa kapwa tao sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

688.

Nais Ko Para sa Gobierno ng Ating Bansa:

Ika-8 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-8 Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Huwag magsisinungaling laban sa ating kapwa

Katotohanan ang magtatanggol sa kanila

 

Bawal ang pagsisinungaling sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Huwag magsisinungaling tayong mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang magsinungaling sa kanyang kapwa

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat maghari ang katotohanan sa buong bansa

Sapagkat katotohanan ang sa atin ay magpapalaya

 

Ang pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang hindi pagsisinungaling sa kapwa tao sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

---

689.

Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa:

Ika-9 na Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-9 na Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Huwag hahangarin ang asawa ng iba

Ang iyo ay iyo, ang kanya ay kanya

 

Bawal hangarin ang asawa ng iba sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Huwag maghangad ng asawa ng iba tayong mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang maghangad sa asawa ng iba

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat na hindi umangkin ng asawa ng iba sa buong bansa

Sapagkat katapatan ang nagbubuklod sa pagsasama

 

Ang pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang hindi paghahangad sa asawa ng iba sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

690.

Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa:

Ika-10 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-10 Utos ng Dios Ama

Ay nais kong gawing batas ng ating Lehislatura

Huwag hahangarin ang pag-aari ng iba

Ang atin ay atin, ang kanila ay kanila

 

Bawal hangarin ang pag-aari ng iba sa bansang ito

Ang nais kong ipatupad ng ating Ehekutibo

Huwag maghangad ng ari-arian ng iba tayong mga Pilipino

Hanggang sa katapusan ng ating mundo

 

Ang maghangad sa pag-aari ng iba

Ay nais kong parusahan ng ating Hudikatura

Nararapat na hindi umangkin ng ari-arian ng iba sa buong bansa

Sapagkat kasiyahan ang magdudulot ng tunay na kasayahan

 

Ang pagpapairal sa utos na ito

Ang nais kong patunguhan ng ating pondo

Pondohan nawa ng ating gobierno

Ang hindi paghahangad sa pag-aari ng iba sa bansang ito.

 

-08/21/2019

*Nais Ko sa Gobierno ng Ating Bansa

(Holiday: Ninoy Aquino Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

---

691.

Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa:

Ika-1 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-1 Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa

Dios lamang ang tanging sasambahin nila
Siya lamang ang Dios na nag-iisa

 

Dios lang ang sasambahin ng mga mamamayang Pilipino

Siya lamang ang nag-iisang Dios sa ating mga puso

Sambahin Siya sa buong bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang pagsamba sa Dios na nag-iisa

Ay ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mga utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-1 Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lamang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

692.

Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa:

Ika-2 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-2 Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa

Ngalan ng Dios ay pakabanalin nila

Ito ay banal at nararapat sa pagtingala

 

Ngalan ng Dios ay pakabanalin ng mga mamamayang Pilipino
Ito ay pakabanalin sa ating mga puso

Pakabanalin ang ngalan Niya sa buong bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang pagpapakabanal sa Ngalan ng Dios Ama

Ay ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mg utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-2 Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

693.

Gusto Ko Sa Mamamayan ng Ating Bansa:
Ika-3 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-3 Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa
Araw ng Dios ay pakabanalin nila

Ito ay banal at nararapat sa pagkilala

 

Araw ng Dios ay pakabanalin ng mga mamamayang Pilipino

Ito ay pakabanalin sa ating mga puso

Pakabanalin ang araw Niya ng buong bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang pagpapakabanal sa Araw ng Dios Ama

Ay ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mga utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-3 Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lamang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

694.

Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa:

Ika-4 na Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-4 na Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa
Mga magulang ay igalang nila

Mahalagang biyaya ng Dios sa atin sila

 

Mga magulang ay igalang ng mga mamamayang Pilipino

Sila ay igalang sa ating mga puso

Igalang ang mga magulang sa buong bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang paggalang sa mga ama at ina

Ay ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mg utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-4 na Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lamang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

---

695.

Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa:

Ika-5 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-5 Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa

Huwag papatay ng ating kapwa

May karapatan ding mabuhay sila

 

Huwag papatay ng kapwa tao ang mga mamamayang Pilipino

Buhay nila ay bigyang halaga sa ating mga puso

Huwag papatay ng kapwa tao sa buong bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang hindi pagkitil sa buhay ng ating kapwa

Ay ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mga utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-5 Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lamang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

---

696.

Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa:

Ika-6 na Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-6 na Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa

Huwag makikiapid sa ating kapwa

May taglay ding dignidad sila

 

Huwag makikiapid sa kapwa tao ang mga mamamayang Pilipino

Dignidad nila ay kilalanin sa ating mga puso

Huwag makikiapid sa kapwa tao sa buong bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang hindi pakikiapid sa ating kapwa

Ay ipangaral sa lahat sa pamamgitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mga utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-6 na Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lamang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

---

697.

Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa:

Ika-7 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-7 Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa

Huwag magnanakaw sa ating kapwa

May angkin ding pag-aari sila

 

Huwag magnanakaw sa kapwa tao ang mga mamamayang Pilipino

Pag-aari nila ay respetuhin sa ating mga puso

Huwag magnanakaw sa kapwa tao sa bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang hindi pagnanakaw sa ating kapwa

Ay ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mga utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-7 Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lamang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

698.

Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa:
Ika-8 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-8 Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa

Huwag magsisinungaling laban sa ating kapwa

Katotohanan ang magtatanggol sa kanila

 

Huwag magsisinungaling laban sa kapwa ang mga mamamayang Pilipino

Katotohanan ang pairalin sa ating mga puso

Huwag magsisinungaling laban sa kapwa sa bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang hindi pagsisinungaling laban sa ating kapwa

Ay ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mg utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-8 Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lamang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

---

699.

Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa:

Ika-9 na Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-9 na Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa

Huwag hahangarin ang asawa ng iba

Ang iyo ay iyo, ang kanya ay kanya

 

Huwag maghahangad ng asawa ng iba ang mga mamamayang Pilipino

Katapatan ang pairalin sa ating mga puso

Huwag hahangarin ang asawa ng iba sa bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang hindi paghahangad sa asawa ng iba

Ay ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mga utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-9 na Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lamang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 
---

700.

Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa:

Ika-10 Utos ng Dios Ama

 

Ang Ika-10 Utos ng Dios Ama

Ay gusto kong isaisip ng mga mamamayan ng ating bansa

Huwag hahangarin ang pag-aari ng iba

Ang atin ay atin, ang kanila ay kanila

 

Huwag maghahangad ng pag-aari ng iba ang mga mamamayang Pilipino

Kasiyahan ang pairalin sa ating mga puso

Huwag hahangarin ang pag-aari ng iba sa bansa na ito

At maging saanmang dako ng mundo

 

Ang hindi paghahangad sa pag-aari ng iba

Ay ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng salita

Salita ang kaluluwa ng mga utos Niya

Kaluluwang bibigyang-katawan ng kilos at gawa

 

Gawa ang magsasabuhay sa Ika-10 Utos na ito

Gawin ito nawa ng mga mamamayang Pilipino

Hindi lamang sa bansa nating ito

Kundi pati narin sa buong mundo.

 

-08/26/2019

*Gusto Ko sa Mamamayan ng Ating Bansa

(Holiday: National Heroes’ Day…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

 




 

 

 



 

 

 

 

 

 

 




 

 

 

 

  • Author: Jose Radin Llorca Garduque (Offline Offline)
  • Published: November 18th, 2019 22:27
  • Comment from author about the poem: My 676th - 700th Poems
  • Category: Unclassified
  • Views: 8
Get a free collection of Classic Poetry ↓

Receive the ebook in seconds 50 poems from 50 different authors




To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.