761.
Advent Wreath – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Advent Wreath” na makikita mo
Sa simbahan, pader o pinto
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Isang hugis singsing na
May kandila
Sagisag ng liwanag, buhay at pagkakaisa –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/01/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
762.
Christmas Tree – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Christmas Tree” na makikita mo
Sa simbahan, parke o bahay niyo
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Isang puno na
May mga palamuti at/o Xmas lights pa
Sagisag ng makulay na buhay at pag-aanyaya –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/02/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
763.
Parol – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Parol” na makikita mo
Sa simbahan, daan o bahay niyo
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Isang replica ng bituin na
Nakasabit at/o umiilaw pa
Sagisag ng sa Belen gabay-tala –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/03/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
764.
Awiting Pamasko – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Awiting Pamasko” na mapapakinggan mo
Sa simbahan, mall o radyo
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Mga awiting kaysaya
Tiyak na mapapaindak ka
Sagisag ng galak sa pagsilang niya –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/04/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
765.
Karoling – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Karoling” na mapapakinggan mo
Sa bangketa’t bahay-bahay ng bawat barrio
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Mga Pamaskong harana
Gabi-gabi bumibisita
Sagisag ng Panunuluyan nina Jose at Maria –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/05/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
766.
Christmas Bells – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Christmas Bells” na mapapakinggan mo
Sa simbahan na malapit sa inyo
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Mga kampana na nag-aanyaya
Para sa Simbang Gabi ay gumising na
Sagisag ng maagap na pananampalataya –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/06/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
767.
Puto Bumbong at Bibingka – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Puto Bumbong at Bibingka” na matitikman mo
Sa labas ng simbahan pagktapos ng Misa de Gallo
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Oh kaysarap na pagkain sa umaga
Huwag kalimutan pagkatapos magsimba
Sagisag ng maagang Paskong paggunita –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/07/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
768.
Candy Cane – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Candy Cane” na matitikman mo
Sa mall o sa Christmas Party na dadaluhan mo
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Oh kaytamis na may halong mint pa
Kulay puti, luntian at pula
Sagisag ng malamig na Paskong klima–
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/08/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
769.
Noche Buena – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Noche Buena” na matitikman mo
Sa Gabi ng Pasko sa tahanan niyo
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Oh kayraming mga handa
Meron pang hamon at queso de bola
Sagisag ng Paskong salu-salo at sam-sama–
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/09/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
770.
Christmas Winter – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Christmas Winter” na mararamdaman mo
Saan ka man naroroon sa bansang ito
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Kahit walang niebe sa aming bansa
Mga snowflakes at snowman ay makikita
Sagisag ng aming pandaigdigang pakikiisa –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/10/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
771.
Christmas Party – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Christmas Party” na mararamdaman mo
Saanmang dako ng bansang ito
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Kahit mahirap at walang-wala
May handaan at regalo pa
Sagisag ng aming pagdiriwang at pagsasaya –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/11/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
772.
Christmas Gift – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Christmas Gift” na mararamdaman mo
Saan ka mang sulok ng bansang ito
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Kahit butas ang bulsa
May ipangreregalo pa
Sagisag ng aming pagbibigay-galak at tuwa –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/12/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
773.
Christmas Bonus – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Christmas Bonus” na matatanggap mo
Sa kumpanyang pinagtratrabahuan mo
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Oh isa sa mga inaabangan
Sa panahon ng Kapaskuhan
Sagisag ng pagbibigayan at pagtutulungan –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/13/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
774.
Santa Claus – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Santa Claus” na makikilala mo
Saanmang lugar na naniniwala dito
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Kasama ng mga elves at mga reindeers nito
Sila ay namimigay ng mga regalo
Sagisag ng pakikipagkapwa-tao –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/14/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
---
775.
Belen – Simbolo ng Pasko
Sa bansang ito
Makahulugan ang Pasko
Kayrami nitong simbolo…
Makikita, mapapakinggan
Matitikman, mararamdaman
Oh anong karanasan?
Gaya ng “Belen” na matutunghayan mo
Saanmang bansa na mayroong Pasko
Isa sa mga “Simbolo ng Pasko”
Kasama ng mga anghel at mga pastol ng karnero
At ng 3 Haring Mago
Sagisag ng pagsilang ni Hesukristo –
Isa lamang ito
Sa mga simbolo
Ng makahulugan naming Pasko!
-12/15/2019
(Dumarao)
*Mga Simbolo ng Pasko
- Author: Jose Radin Llorca Garduque ( Offline)
- Published: December 15th, 2019 20:08
- Comment from author about the poem: My 761st - 775th Poems
- Category: Unclassified
- Views: 17
To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.