My Poem 777

Jose Radin Llorca Garduque

777.

Pasko sa Krisis na Naman!

 

Pasko sa krisis na naman sa ating bayan

Kayrami paring problema ng ating lipunan

Tulad ni Leni na may pasabog na naman

Pero nasaan ang animo’y “Ulat sa Bayan”?

 

NINGAS COGON…DAPAT BANG TULARAN?...

 

Iyo pang dinahilan ang mga nilindulan

Paano kung araw-araw mayroong ganyan?

Eh ‘di araw-araw ding ipagpapaliban?
Ano pa kaya ang idadahilan?

 

MAÑANA HABIT…DAPAT BANG TULARAN?...

 

Ngayong papalapit ang Kapaskuhan

May mga nabagyuhan, nilindulan at nasunugan

Oh kayraming nawalan at mga namatayan

May magagawa ba riyan ang iyong “Ulat sa Bayan”?

 

BAHALA NA SYSTEM…DAPAT BANG TULARAN?...

 

Atat na kami sa panibagong gawa (este ngawa) ng dilawan

Mauunahan pa yata ng paghatol kay Ampatuan

Sana sunod si Leila yan ng LP naman

Para sa mga nasa Leilayan ng LiPunan.

 

-12/17/2019

(Dumarao)

*perhaps or probably my final poem

 

 

  • Author: Jose Radin Llorca Garduque (Offline Offline)
  • Published: December 18th, 2019 19:52
  • Comment from author about the poem: My 777th Poem
  • Category: Unclassified
  • Views: 67
Get a free collection of Classic Poetry ↓

Receive the ebook in seconds 50 poems from 50 different authors


Comments +

Comments1

  • orchidee

    I'm sure it's a nice write, but I can't translate it. You could write more...... always.....

    • Jose Radin Llorca Garduque

      It's all about our miserable Christmas...in this country...
      Please pray for the Philippines, orchidee...
      A strong typhoon's gonna hit us on the very day of Christmas...



    To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.