Ikaw

Rem

 


Ikaw ay nag mistulang daga sa paningin ng agila
Ang apoy ng aking puso ag tanging gabay upang makuha

Maraming talukap ang bukas sa aking bawat pag hakbang
Pero ang tanging repleksyon mong ganda ang syang nagaabang

Ibibigay ko ito ng buo
Kung hindi mo wawasakin
Basta't ikaw maging totoo
Kung iyong mararapatin

Nararamdaman mo ba ang aking panaghoy
Ang tanging lunas ay ang ingay mong talon na dumadaloy

Ang mga paa'y nananakit sa pagtahak
Maramdaman ko lang iyong dampi na pinapangarap

Dapit hapon na nang akong makadapo
At bukod tangi ang bulaklak mong syang sa aking nagpapamo

Tuluyan nang naglaho ang mga paru-paro
At ang tanging dama ko lang ay ang mga bulong mo

 

  • Author: Rem (Offline Offline)
  • Published: September 15th, 2022 07:03
  • Category:
  • Views: 6
Get a free collection of Classic Poetry ↓

Receive the ebook in seconds 50 poems from 50 different authors




To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.