Buwan

CMR

BUWAN

Mag isa sa gitna ng kalungkutan sa bawat araw na dumadaan, bumabalik lang ang sakit ng nakaraan.

Naging manhid na sa pakiramdam ng pagmamahal at pagmamalasakit, sa sariling tahanan mismo mga ito ay hindi makamit.

Tiwala at pananampalataya ay onti onti ng nawawala, dahil pang aabanduna lamang ang aking napapala.
 
At sa iyong pagdating, ako’y walang kalaban laban, dahil ika’y parang isang buwan na nagbigay ng liwanag sa gitna ng dilim at kalungkutan.

Ngunit tulad ko na baon na sa bigat ng pagsubok sa buhay, ika’y onti onti narin sumusuko at nais ng humimlay. 

Salamat aking buwan na nagpaalala sakin ng pakiramdam ng pagmamahal, hayaan mong ako’y iparamdam sayo ang pag ibig na tapat at pang habang buhay ang tagal.

  • Author: CMR (Offline Offline)
  • Published: June 5th, 2023 05:05
  • Comment from author about the poem: Ronina
  • Category: Unclassified
  • Views: 1
Get a free collection of Classic Poetry ↓

Receive the ebook in seconds 50 poems from 50 different authors




To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.