Time check 2:27pm
Malakas na lagaslas ang tunog sa yerong bubong bunga ng lakas ng buhos ng ulan. I have decided to listen music with my bluetooth headset while scrolling on social media.
Then...
I saw your profile. "Ang laki na ng pinagbago ng panahon para satin" bulong ko saking isip.
"Noon lng ay subrang lapit natin sa isa't isa"
"Noong araw ang lakas mang trip nito sakin"
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang isa-isang panunumbalik ng lahat ng mga alaalang minsan kong sinayang na tila nag lalaro sa isip sabay bulusok ng pait na emosyon. Unti-unting naglakbay aking diwa sa mga araw na pilit kong di pinansin noon subalit nagbigay ng pighati sa puso ko ngayon. Sa ilang segundong pagbalik-tanaw ko, napuno ng mga "paano kaya kung" ang aking isipan.
Paano kaya kung pinagbigyan ko ang sarili ko na maipakita na mahal din kita? Paano kaya kung hindi ko inuna ang pagiging mapagmataas ko? Paano kaya kung bumigay ako kesa itago ito lahat sa sarili ko? Paano kaya kung pinili kong maging masaya kasama ka? Paano kaya kung linabanan ko ang takot at pagdududa? Patuloy kaya nating pinaglaban ating nararamdaman hanggang umabot tayo ngayon? Paano kung... hanggang ngayon ikaw parin laman ng puso't isip ko? Kung maibabalik lng sana ang panahon. Panahon na minsan kong dinanas ang totoong saya kahit pikon ako. Panahon na ramdam ko ang totoong pahalaga mo. Panahon na naghintay ka pero di ako nagpakita. Panahon na iniwan ko para sa sariling kapakanon ko.
I can vividly remember those days when you used to tease me, I was bursting in anger while you're laughing. Alam mo bang ginusto ko kung paano mo kuha ang atensyon ko? Alam mo bang gustong-gusto ko ang mga pinaggagawa mo kahit pikon na pikon ako? Gusto kong makipagtalo kasi yun ang paraan ng pagpapakita ng interes ko sa'yo. Kapag kasama ka totoong totoo ako. I kept these thoughts in me all these years because of pride. Ito ako, tulalang nakatingin sa imahe mo. Hanggang tingin na lng ba ako?
Oo. Hanggang tingin na lang ako dahil di na tayo konektado, masaya ka na...
...sa iba.
"So you suffer in regret after all" sambit ko saking sarili. Hanggang kailan ba ako maging totoo? Hanggang kailan ko pipigilan sarili ko? Hanggang ilang bilang pa ba ng oras aabutin bago ko matutunang hindi manghinayang? Hanggang kailan ako matutong humakbang mula sa sakit na nararamdaman? Paano ba ang di manghinayang? Paano ba kasi ang di magsisi? Turuan mo naman ako oh. Turuan mo akong kalimutan ka. Kalimutan ang SAKIT na dapat iniwan ko kasama ka ng araw na yun. Kalimutan ang MALALIM NA SUGAT dulot ng walang kalalagyang PAGSISISI at muli maging totoo, maging totoo sa sarili ko. Maging totoo na lahat ng ito ay bunga na lng ng maling desisyon ng kahapon.
2:27pm...
eksaktong oras at panahon naganap ang pagyayaring kailanmay di ko naisip na pagsisihan ko hanggang ngayon.
Kung mapaglaro ba naman ang panahon.
Ako ang nang iwan, ako lang din ang nagsisisi sa kahulihulihan.
— LiteraryQuill —
- Author: LiteraryQuill (Pseudonym) ( Offline)
- Published: July 10th, 2023 17:19
- Comment from author about the poem: My personal experience
- Category: Short story
- Views: 1
To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.