MAINGAY NA ALON SA DALAMPASIGAN
MALAKAS NA IHIP NG HANGING AMIHAN
MADILIM NA ULAP SA KALANGITAN
UNOS AY NAGBABADYA SA SANGKALUPAAN!
DAIGDIG NA DATI"Y PAYAPA AT TAHIMIK
SARIWA ANG HANGI'T MALINIS ANG PALIGID
LUNTIANG PARANG AT MGA KABUNDUKAN
SINGLINAW NG KRISTAL ANG TUBIG SA BUKAL
MUNTING MGA BATA'Y TILA MGA ANGHEL
SA PARANG NAGLALARO, SA BATISA"Y NALILIGO
MUSIKA SA PANDINIG ANG HUNI NG PIPIT
LILIPAD DADAPO SA MAYABONG PUNO
NGUNIT NGAYO'Y NAPARAM NA
ANG MAGANDANG ALA ALA
MALABO NANG IBALIK KAHIT SA GUNITA
LAHAT AY NABAGO SUKAT NA NAWALA!
MGA KALAMIDAD AY KABI KABILA
KURAPSIYON AT KRIMEN, PALALA NANG PALALA
MGA PANDARAMBONG AT PAGPAPASASA
KAGYAT NA KATARUNGA'Y DI NA NGA NAKIKITA
MABILIS ANG PAG UNLAD NG TEKNOLOHIYA
LUMANG KULTURA AY TILA LIMOT NA
PAG IBIG AT PAGMAMAHAL DI NA KAYANG IPADAMA
SA BUSILAK NA PARAAN AT ANYO NG PAGKALINGA
SAKSI AKO SA LAHAT NG ITO
AKO'Y NANINIMDIM BAKIT NAGKAGANITO
AKO BA AY NAGKULANG SA PAGBIGAY PANUTO
O SADYANG MATIGAS LANG ANG INYONG ULO?
AKO"y INANG LUMULUHA SA BAWAT PAGSALANSANG
NG MGA ANAK KONG AKO ANG NAGSILANG
PUSONG INANG BUSILAK MALINIS AT MAPAGMAHAL
LAGING LUMULUHA SA TUWING KAYO'Y NAMAMASDAN
ANO PA BA ANAK ANG PWEDE KONG GAWIN?
KAYA UMUULAN, LUHA KO'Y DI MAPIGIL
KAPAG LUMILINDOL PUSO KOY NAGDARAMDAM
NAIS NG SUMABOG ANG DIBDIB KONG NASASAKTAN
AKO'Y INANG KALIKASAN. HUWAG N'YO NAMANG PAGDAMUTAN
KAHIT SULYAP MAN LANG SA KASALUKUYANG KAANYUAN
ANO NA NGA BA ANG DULOT NYO MGA ANAK KONG HIRANG?
KAYA NYO BANG MASDAN ANG UNTI UNTI KONG PAGKAPARAM?
PAANO NA NGA KAYO KUNG AKO AY LILISAN?
MABUBUHAY BA KAYO SA LUSAK NG KAWALAN?
AKO"Y MAHINA NA NAIS KO NANG MAGPAALAM
NGUNIT KUNG NAIS NYO KAYA NYO PA AKONG PIGILAN!!!!
-
Author:
cecilia (
Offline)
- Published: February 27th, 2012 01:09
- Comment from author about the poem: The present and alarming situation of our abused nature is my driving force to write this poem. It was written in our own language so that my countrymen could easily squeeze the message hoping for better contemplation.
- Category: Nature
- Views: 51
To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.