Heto na naman ako
Naglalakad sa masukal at madilim na daan
Patungo sa iyo.
Alas nuebe y media
Yan ang oras ng minsan nating pagkikita
Hindiko nga alam bakit ganyan
Akala ko nung una ayos lang
Dahil sa oras na tayo'y nagsasama tayo'y masaya naman.
Sa tuwing tayo'y nanonood ng pelikula
Ang tanging naririnig ko lang ay 'yung mga nakakabingi nating pagtawa
Sabayan mo pa ng paghampas sa kama
At habang tayo'y masaya nahuli kitang nakatingin sa aking mga mata.
Teka... masaya nga ba"TAYO" o baka "AKO" lang?
Ang mga tawa mo ba'y totoo o sdyang pilit lang?
Sa mga oras ba na iyon ay naging totoo ka o nagsisinungaling lang?
Yan yung mga bagay na gusto kung itanong sa'yo
Pero wala akong magawa...
Dahil sa tingin ko'y wala akong karapatang malaman
Kung ano ba talaga yung tunay mong nararamdaman
Dahil ako lang naman yung babaeng pang alas nuebe y media lang.
- Author: Precious Faith (Pseudonym) ( Offline)
- Published: June 24th, 2023 21:59
- Comment from author about the poem: This poem is about a girl who fall in love with a boy and when the time comes that she confessed about her feelings the boy told her that they were just friends.
- Category: Love
- Views: 1
To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.