Babae ako, taas-noo kahit kanino

Allona

"Babae ako, taas-noo kahit kanino"

 

Akala rati ng karamihan pag babae ay mahina,
Dapat nasa bahay lang maglinis at mamalantsa
Na hindi kayang mamuhay at bumuhay ng pamilya.
Ngunit marami na ang bumilib at napaniwala,
Sapagkat marami ng ina ang nagsisilbing padre de pamilya.

 

Marami ng nagbago at naglaho,
Dating mga tinatawag na alipin, sila pa ngayon ang ehemplo.
Dating puro saya ang balot, ngayon iba't ibang uniporme na ang suot,
May pulis, guro, presidente, at sundalo
Kaya marami na ang humahanga, sumasaludo at umi-idolo.

 

Di dapat natin ikahiya kung tayo ay maria clara,
Magpasalamat tayo kasi bilang  babae ay isang biyaya,
Dahil walang kapareha si adan kung wala si eba.
Kaya isigaw natin sa buong mundo,
Babae ako taas-noo kahit kanino.


 

  • Author: Allona (Offline Offline)
  • Published: May 23rd, 2024 10:08
  • Category: Unclassified
  • Views: 2
Get a free collection of Classic Poetry ↓

Receive the ebook in seconds 50 poems from 50 different authors




To be able to comment and rate this poem, you must be registered. Register here or if you are already registered, login here.